DAHIL MINSAN KELANGAN MAG-EVOLVE

KUNG DATI AKO SI VERSION 1

NGAYON AKO NA SI VERSION 2

DAHIL NAG-EEVOLVE DIN AKO

Advertisements

Switch ka ba?

Kasi you turn me on

Note: Mas cool kung habang binabasa mo ‘to eh pinapakinggan mo ang kantang ‘to.  Para mas lalong makeso.

At dahil Pebrero na, sige at magpapakacheesy muna ako.  Ngayon ko lang talaga gagawin ‘to.  Nakakahiya mang tanggapin pero may kakesohan din talaga ako kahit hindi talaga kapani-paniwala.  Basta ganun!  So heto, hayaan mong sabihin ko ang mga qualities ng isang lalake that turn me on.  Waaah!  Sasabihin ko ba talaga?  O siya sige na nga!  Wala namang nakakakilala sa akin dito in real life eh.  Kahit magpakabaliw ako, okay lang.

  1. Musikero – Hindi naman kelangan miyembro ng banda eh.  Basta marunong kumanta, o kaya marunong maggitara, o kaya magdrums, o kaya magviolin o kaya magpiano.  Basta kahit ano doon.  Pero mas cool kung kakantahan niya ako ng Ligaya ng Eraserheads, mapapangiti niya ako ng sobra.  (At oo namimiss ko tuloy seatmate ko na lagi akong kinakantahan).
  2. Artist – Hindi artista ah.  Basta inclined siya sa art gaya ng photography, o kaya painting, drawing, comics making, illustrating, layout designing, photoshopping o doodling.  Mahilig kasi ako sa art eh.  At saka baka mabigyan niya ako ng tips and techniques para maimprove ko pa ang aking skill (Ay oh?  May skill pala ako?).
  3. May sense of humor – Simple lang.  Gusto ko laging masaya.  Gusto ko laging tumawa.  Gusto ko kwinekentuhan ako ng nakakatawa.  Alam mo ‘yon?  Para naman hindi ako laging nakasimangot.  At oo simangot queen talaga ako.  Mahal ang ngiti ko.  At syempre para naman maexercise ang mga muscles sa mukha ko.
  4. Smart (Hindi Globe)– Hindi naman kelangang genius pagdating sa Math.  Hindi naman kelangang geek.  Hindi naman kelangang nerd.  Smart ang hanap ko at hindi intelligent.  Ah basta magkaiba ‘yon.  Kung ano ang tinutukoy kong smart, bahala ka na mag-imagine.
  5. Matangkad – Please lang.  Gusto ko naman mas matangkad sa akin.  Kasi naman karamihan na natitipuhan ko, okay na sana kaso lagi na lang ako mas matangkad o kaya magkaheight lang kami.  Ayaw ko nun.  Mga 5’8 and above okey na ako.
  6. Hindi maarte – Ayaw ko ng lalakeng masyadong maporma.  Ayaw ko rin ng masyadong vain.  Ayaw ko sa metrosexual.  Simple lang ang gusto ko.  Shirt/polo + Pantalon oks na ako dun basta malinis tignan.  Ayaw ko rin ng maya’t maya eh pupunta sa restroom.  Sipain ko mukha niya.
  7. Marunong sa martial arts – Hindi naman kelangan na black belter.  Hindi rin kelangan na eksperto siya.  Basta marunong lang ng basics ng pagsipa, pagsuntok, paghawak ng arnis sabay paikut-ikutin, o kaya mga tipong self-defense.  Para naman kung sakaling may masasamang loob na sumalakay sa amin, syempre ayaw ko naman na ako lang makikipagsagupaan sa mga ‘yon.  Kelangan ko rin pakner.
  8. Nakasalamin – Ewan ko ba pero alam mo ‘yon?  Talagang naaattract ako sa mga lalakeng may eyeglasses.  At please wag mo sabihing lolo ang hanap ko, tadyakan kita dyan eh.  Basta I like guys who wear eyeglasses.  Parang ang astig kasi tignan eh.  Pero please lang.  Ayaw ko naman sa mga lalakeng paeyeglasses eyeglasses eh hindi naman kelangan, pamporma lang kumbaga.  Baka tusukin ko pa mga mata niya.
  9. Techie – Hindi naman kelangan na lahat ng gadgets eh nasa kanya.  Ang ibig ko lang naman sabihin eh, kahit papaano eh updated naman sa technology.  May alam sa pagdodownload ng mga movies,music at kung anu-ano pang software sa internet.  Tipong may nadidiscover na bago sa mundo ng worldwideweb.
  10. Marunong magsalita ng ibang lenggwahe – Pero mas cool kung marunong magjapanese.  Para kung nag-uusap kami, atleast kami lang nagkakaintindihan.  At saka para matest ko na rin ang aking Japanese speaking ability.  Pero okey din kung marunong magspanish, magfrench, maggerman, magchinese, basta huwag lang Korean.  Nakokornihan talaga ako eh.
  11. Anime Freak/Gamer/Manga Reader /Movie Buff/Music Lover– Para naman may mapag-usapan din kaming kakaiba.  Ayaw ko naman na kwentuhan namin eh tungkol sa future namin, tungkol sa dream wedding, tungkol sa gaano naming kamhal ang isa’t isa.  Anakngtokwa, iniisip ko pa lang nandidiri at nangingilabot na ako eh.  Ayaw ko ng masyadong seryoso sa pag-ibig.
  12. Marunong ng kahit anong sports – Hindi naman kelangang player basta marunong lang okey na.  Ayaw ko ng lalake na ang sports eh volleyball.  Sorry nemen pero nababaklaan talaga ako eh.  Okay lang sa akin ang chess o Chinese checker basta huwag volleyball.  Pwede naman ang tennis o kaya table tennis.
  13. Marunong kumontra minsan – Ayaw ko na palaging ako na lang ang tama.  Ayaw ko na palaging ako na lang ang masusunod.  Ayaw ko ng under.  Parang walang paninindigan sa buhay eh.  Parang robot lang.  Gusto ko may time na kokontra siya sa opinyon ko.  Tipong magdedebate kami.  Debate tungkol sa kung sino ang mas astig, Ginebra ba o Purefoods.  Mga tipong ganung usapan.  O kaya magdedebate tungkol sa kung ano ang kakainin, isaw ba o betamax.  At kung hindi talaga makadecide, idadaan na lang sa jak en poy.
  14. Hindi masyadong maalaga – Ayaw na ayaw ko na tipong kukunin bag ko tapos siya na magbubuhat.  Nakakaasar lang talaga.  Oo, may kabigatan talaga ang bag ko pero iba na ‘yon eh.  Bag ‘yon eh.  Kumbaga personal property.  Ah basta ayaw ko ng sobrang maalaga na tipong sasabihin na bawal ka magsoftdrinks.  O kaya bawal ang matamis.  O kaya pipilitin kang kumain ng gulay.  Ano ako, anak niya? Ano siya, tatay ko?
  15. Hindi galante – Kung pwede lang talaga, ayaw ko na nililibre ako eh.  Para tuloy nagkakaroon ako ng utang na loob sa kanya.  Dapat talaga kanya kanya.  Hindi naman ako parte ng budget niya eh.  At saka, estudyante pa lang kaya siya.  Huwag siyang mayabang.  Buti kung siya mismo ang naghanapbuhay para sa perang ‘yon eh galing lang naman sa magulang niya.
  16. Parang si papa ko – Dahil isa akong dakilang papa’s girl.

Hindi naman ako masyado sa physical aspect eh.  Simple lang.  Hindi naman ako mahilig talaga sa mga gwapo eh.  Kasi karamihan na ngayon sa kanila eh mga baklush.  Gusto ko parang mala-Ely Buendia.  Hindi naman talaga siya kagwapuhan pero may something talaga siya na naaattract ako.  Basta ganun.  Simple pero rock!

PS. Corny na kung corny.  Cheesy na kung cheesy.  Eh bakit ba? Sa nalss na ako sa kantang ‘yan eh.

Paligayahin mo ako

Simpleng tao lang naman ako eh.  Simpleng-simple.  Simple rin ang kaligayahan ko sa buhay.  Simple rin ang kagustuhan ko.  Alam mo yun?  Simple lang talaga.  Hindi ganoon kalalim ang mga bagay na naaappreciate ko.  As in super babaw lang talaga.  Gusto mo malaman?  Ah, okey!

1. Bagong labang damit – Ewan ko lang ha?  Pero sa tuwing nakikita ko na bagong laba ang mga damit ko, ang saya-saya sa feeling.  Tapos alam mo ‘yon?  Ang bango-bango.  Hayyy…

2. Bagong palit na bedsheet – Di ba?  Ang sarap matulog kapag bago ang bedsheet.  Para kang nasa bed of roses.  At oo exaggerated na naman ako.  Pero di ba?  Ang sarap sa feeling.  Hayyy…

3. Natutulog habang umuulan – Kakaibang feeling.  Para kang nasa langit.  Ang peaceful ng dating.  Isang sanctuary.  Tapos ang lamig lamig.  Talagang kahali-halina matulog.  Ang mga unan, nag-aanyaya.  Ang kumot, nang-aakit.  Ang sarap matulog kapag ganyan.  Hayyy…

4. Makarinig ng Eraserheads song mula sa radyo – Scene: Nasa loob ng mall.  Paikot-ikot lang.  Wala lang.  Nag-iistroll.  Tapos biglang tumunog yung radyo.  At komon pare!  Eraserheads song!  Automatic, isang napakagandang ngiti ang iyong masisilayan sa aking labi.  Alam mo yun?  Kahit na paulit-ulit mong pinapakinggan mula sa iyong mp3/mp4/ipod ang isang kanta, tapos biglang mapapakinggan mo na lang kung saan-saan, kakaiba ang feeling di ba?  Kakaiba ang tama! Hayyy…

5. Bubbles kapag naglalaba o naghuhugas ng pinagkainan – Tuwang-tuwa ako sa bubbles at hindi ko maintindihan kung bakit.  Kaya siguro naeengganyo ako maglaba at maghugas.  Ang cute cute kasi eh.  Hayyy…

6. Amoy ng photocopy – Grabe lang talaga.  Maraming nagsasabi, adik daw ako.  Paano ba naman kasi pati amoy ng photocopy napakapleasant daw sa akin.  Ay sorry nemen.  Ang bango talaga eh.  Tapos mainit-init pa.  Grabe lang talaga ang feeling.  Hayyy…

7. Picture ni Ely Buendia – Heaven pare!  Alam mo yun?  Makita ko lang mukha niya sa net, okey na araw ko.  Meron pa nga dati, bore na bore na ako sa biyahe.  At syempre nakabus kami galing Pangasinan.  Hayun, itinulog ko na lang talaga.  Tapos biglang hayun, stopover.  Nagising ako.  Tumingin ako sa harap, anakngtokwa.  May poster pala ng Coke.  At ang model?  Syempre ang aking belabed Ely Buendia.  Grabe lang.  Hindi na ako natulog.  Tinitigan ko na lang poster niya buong biyahe.  Hayyy…

8. Ang buwan at mga bituin – Ang ganda sa paningin.  Kaya elib na elib ako kay God eh.  Akalain mong naisip niya yun?  Kaya nga sa tuwing naglalakad ako kapag gabi, tuwang-tuwa ako kasi nakikita ko sila eh.  At minsan dahil sa kakatingin ko sa kanila, hindi ko na napapansin dinadaanan ko, at hayun muntik masagasaan.  Hayyy…

9. Makasolve ng Math problems – Naglulundag ako sa saya.  Kinikilig.  Abot hanggang tenga ang ngiti.  Ganyan ako mainlab este kapag nakakasolve ng math problems.  Alam mo yun? Yaong tipong iyak na iyak ka na tipong susuko na kasi wala eh hindi mo talaga masolve.  Tapos biglang sige magsosolve ka ulit, tapos hurray!  I did it!  Hayyy…

10. Making someone smile –  Wala lang.  Masaya na ako na napangiti ko sila.  Na napatawa ko sila.  Alam mo yun?  Parang kumpleto na araw mo?  Basta ganun?  Ang saya di ba?  Pati ikaw matutuwa o mapapasmile na rin.  Hayyy…

Simple lang naman diba?  Hindi kelangan ng pera?  Hindi materialistic.  Simple pero tagos to the bones.  Kakaibang kasayahan.  Kakaiba ang tama.  Yun lang.  *bow*

Police Woman at Bold Star, Nakirakrakan

Ika-10 ng Enero, 2010 – Nakatutuwang malaman na sa panahon ngayon, hindi pa rin maaalis sa ating mga Pilipino na tayo’y naeengganyo pa rin sa musika.  Minsan pa nga’y ginagamit natin itong boses para ipahayag ang mga salitang pilit na nagpupumiglas.

Aming nakapanayam ang dalawang nilalang na aming nakitang pakalat-kalat sa daan.  Sila’y aming tinanong ng ilang mga simpleng katanungan (Using only song names from ONE ARTIST/BAND, cleverly answer these questions. Try not to repeat a song title. Repost as “my life according to (band name/artist)).  Kung kaya’t napakasimple rin ang natanggap naming kasagutan.

Una naming nakapanayam ay ANG PAMBANSANG PULIS PANGKALAWAKAN NG BAYAN! At heto ang kanyang mga kasagutan:

Are you a boy or a girl: Police Woman

Describe yourself: Gatekeeper (Parang security guard na rin)

How do you feel: Dying Slow (Dahil sa dami ng krimen)

Describe where you currently live: Poorman’s grave

If you could go anywhere, where would you go: Futuristic (Time Space warp ngayon din!)

Your best friend is: Pare Ko

What’s the weather like: So Right

If your life was a TV show, what would it be called: Sinturong Pangkaligtasan (Parang Shaider lang)

What is life to you: Para sa Masa (Isakripisyo ang buhay para sa masa. ‘Yan ang pulis!)

Your current relationship: Back2Me (Alay sa mga snatcher na hindi ko nahabol)

Your fear: Wala (Ang pulis walang kinatatakutan)

What is the best advice you have to give:  Huwag Kang Matakot (dahil andito naman ako)

How I would like to die: Mono Virus (Virus na lang.  Huwag sa oras ng pakikipagbarilan)

My soul’s present condition: Combo on the Run (Binabagabag ng mga bagay na maaaring mangyari.  Mamay may krimen, aksidente na naman.)

My motto: Easy Ka Lang (Para sa mga driver na kaskasero)

Ang huli at ikalawang nakapanayam naman namin ay ang BOLD STAR SA ILALIM NG TULAY. Heto naman ang kanyang mga kasagutan:

Are you a boy or a girl: Ligaya

Describe yourself: Paru-parong Ningning

How do you feel: Overdrive

Describe where you currently live: Downtown

If you could go anywhere, where would you go: Alapaap

Your best friend is: Hey Jay

What’s the weather like: Walang Nagbago

If your life was a TV show, what would it be called: Tikman

What is life to you: Kama Supra

Your current relationship: Waiting for the Bus

Your fear: Ultrasound

What is the best advice you have to give:  Dahan Dahan

How I would like to die: Dying Slow

My soul’s present condition: Everything’s Falling

My motto: How Far Will U Go

Nang amin silang tanungin kung kanino bang kanta ang mga nabanggit.  Iisa lang ang kanilang sagot. “ERASERHEADS! RAKENROL! RAKOOOOONNNNN!”

——————————————————————————————–

Hanep talaga kanta nila eh noh?  Mula sa mga titles, may magagawa ka ng kwento.  At hindi lang basta basta kwento.  Pwede rin gawing movie.  Hayuf!  Kaya idol na idol ko ang Eraserheads.

Sleeping Monster Vs. Blakenwayt

Bakit si sleeping monster bigla na lang sumasalakay?

Yaong tipong gusto ko naman talaga gawin ang isang bagay pero itong si sleeping monster eh adik talaga at gusto akong lamunin?

Sadyang napakalakas ng pwersa niya (kulay red pa!) at hindi mapigilan.

At ako naman ito, ginamit din ang pwersa (green naman!)

Pinataas ang buhok na parang kay Son Goku

Pinalabas ang sadyang napakalakas na chakra

At sobrang pinalaki ang mata huwag lang antukin

Nagconcentrate nang nagconcentrate sa pagkontra kay Sleeping Monster

Pero ang dyahe wala ka tuloy nagets sa lesson

Iniisip kong mabuti bakit sa dinarami-rami ng estudyante sa klasrum eh ako lagi ang ginugulo niya.

Ako lagi ang ginagambala

Ako ang kinukulit

Pero sa gabi na kapag wala akong magawa

Nanonood na lang muna ako ng anime at hayun bakit ayaw niya akong guluhin.

Pinipilit kong kulitin niya ako kaso umaasa lang pala ako sa wala

Sabi niya pang-umaga lang daw siya

Kasi sa gabi sleeping mode ang monster

—————————————————————————————-

Masyado akong nahumaling sa Project365.  Ang saya pala.  Samahan mo pa ng One movie and one episode of anime per night.  Ang saya ng buhay.  At oo, ang sama ko.  Ni hindi ko man lang mabuklat ang mga libro ko.  Ewan ko ba ang tamad tamad ko talaga.  Sobrang tamad.

Mission 101

Dahil isa akong ninjang patalun-talon at patago-tago, naisip ko na mabuti nga sigurong sabihin ko naman sa inyo ang mga misyon ko sa buhay.  Kahit na ako’y hamak na genin pa lamang, umaasa ako na balang araw magiging jounin din ako.  Baka nga hindi ko namamalayan na pang chuunin na pala ang ginagawa kong misyon na parang sila Naruto.  Oh well facetowel!

D-Rank (Genin Rank – madali lang ‘to)

001. Watch all episodes of Full Metal Alchemist anime

002. Type without looking at the keyboard

003. Update my planner everyday

004. Create 1000 stars (different colors dapat!) (o/1000)

005. Collect Monami ballpen (all colors available)

006. Cook Pinapaitan

007. Cook Sinigang na baboy

008. Cook beef steak

009. Do the asian poses/expressions

010. Finish all Nancy drew games

011. Magvideoke na hindi nahihiya

012. Plant

013. Buy green headphone

014. Buy green wallet

015. Buy new sd card

016. Have my own photo album

017. Eat puto bungbong

018. Eat castanas

019. Make a letter for myself

020. Buy Naruto stickers

021. Picture taking with my lil’ sister

022. Make 101 trivias about me (0/101)

C-Rank (Chuunin minsan Genin din – medyo mahirap)

023. Watch all episodes of Naruto anime

024. Read 5 manga (0/5)

025. Submit photograph/s to our school publication

026. 100 blog entries (12/100)

027.  Picture the sunset

028. Complete the Eraserheads album (6/7)

029. Attend Photography seminar

030. Matuto uminom ng beer

031. Make 5 poems (0/5)

032. Cook 5 ulam (0/5)

033. Draw chibi version of me

034. Magpadala thru LBC

035. Finish 20 PC,PSP,Online Games (0/20)

036. Memorize Hoedown Throwdown dance steps

037. Attend the mass (all Sundays of a month) (0/5)

038. Buy green backpack

039. Play billiard

040. Update 365 daily photo (0/365)

041. Print photos

042. Make my own planner

043. Use wifi

044. Donate sa church

045. Give foods to the beggar

046. Join in a blog contest

047. Update About Me page

048. Read a book by Murakami

049. Complete a coloring book

050. Write a haiku (0/10)

051. Write legibly using my left hand

052. Write an essay upside down

053. Read a book upside down

054. Win in Minesweeper (0/5)

055. Eat all flavor of pancit canton

056. Buy lots of candy

057. Organize my books and magazines

058. Buy a weird shade

B-Rank (Chuunin rank – mas mahirap)

059. Learn basic Japanese language

060. Write in Japanese

061. Have my own Japanese bike

062. And use it for my trip in our subdivision

063. Make my own comics

064. Memorize 3 Japanese songs (0/3)

065. Magpahenna tattoo

066. Learn how to drive

067. Watch 100 movies (0/100)

068. Play drums freely (Basta!)

069. Make a song

070. Vote for 2010 election

071. Buy new camphone with 5.0 megapixel camera

073. Buy polaroid camera

074. Complete a sudoku puzzle book

075. Horseback riding

076. Listen to 100 albums (0/100)

077. Make a vlog entry

078. T-shirt printing

079. Re-Watch/Watch all Harry Potter movies

080. Make my Top 100 Favorite Eraserheads songs list

081. Buy Naruto keychains

082. Upload video in youtube

083. Read the newspaper cover to cover(kahit mga ads basahin! Buong-buo)

A-Rank (Jounin rank – pinakamahirap)

084. Graduate (BSECE)

085. Pass the ECE Board Exam

086. Create my anime/library room

087. Trip in Japan

088. Read 30 books (0/30)

089. Save Php20,000.00

090. Play Pachelbel Canon in D perfectly (piano)

091. Own an ipod touch

092. Complete the Simbang Gabi

093. Libutin ang Baguio

094. Trip with dabarkads

095. Go to a concert

096. Make an autobiography

097. Eat in 8 restaurants/fastfood chain (0/8)

098. Paint in an A size paper (0/3)

099. Eat fruits everyday (0/30)

100. Makita si Ely Buendia sa personal

101. Get new jacket, one of every color of the rainbow + black (0/8)

Lahat ng mga movies na napanood ko, lahat ng album na napakinggan ko, lahat ng mga nakainan kong fastfood chain at resto isali mo na diyan yaong Mcdo, wala munang kwenta mga ‘yon.  Back to zero lahat except yung sa pagcollect ko ng Eraserheads album ko.  Alangan namang bibili ulit ako.

Nawa’y kayanin ko ang mga missiong ito.  Partida pa ito kasi ako lang mag-isa na gagawa ng mission samantalang sila Naruto, Sasuke at Sakura isama mo na si Kakashi eh tulungan sa mga mission na matotoka sa kanila.  Ako? I’m all alone!  Hakhak!  Pero baka mas madali ako mapromote nito.  Hokage agad! Wapak!

Umpisahan naaaaa ang misyonnnnn!

Happy new year sa ating lahat!

Goodbye 2009!

Welcome 2010!

Magsaya! Mag-ingay! Magpasalamat!

Para Sa’yo, Ang New Year’s Resolution na ‘to!

Nakakasawa na gumawa ng New Year’s Resolution.  Kadalasan kasi hindi ko naman natutupad.  Kadalasan sa June ko lang napagtyatyagaan.  Worse, minsan hanggang salitype lang.  Pero kung sakaling matupad ko man ang new year’s resolution ko, may magbabago ba sa pag-inog ng mundo?  Mababawasan kaya ang corruption?  Mawawala ba ang poverty?  Ano? Ano? Ano?  May pagbabago ba? Sige nga!  Sabihin mo sa akin!  Sige nga!  (Yabangis!)

Kung kaya’t naisipan kong gumawa na lang ng new year’s resolution para sa ibang tao.  Baka kasi hindi man lang nila napapansin na malaking pagbabago ang mangyayari kung sakaling matupad nila ang new year’s resolution na gagawin ko para sa kanila.  At baka kasi wala silang time.  O baka kasi feeling nila wala naman dapat baguhin.  Akala mo lang wala, pero meron meron meron!

Matamaan ang matamaan.  Mainis ang mainis.  Kumontra ang kumontra.  Bahala kayo!

  • >>>Hindi na ako tatakbo.  Napag-isip-isip ko kasi na ang kapal as in sobrang kapal naman talaga ng mukha ko samahan mo pa ng katangahan at kabobohan  para tumakbong presidente eh napatalsik na nga ako sa pwesto ng madlang people.  Naikulong na nga at lahat lahat may gana pa akong magpakapresidente.  Tanga na lang nga siguro ang boboto sa akin.  —Erap
  • >>>Hindi na ako magpapakasinger at gagawa ng album.  Ang engot lang kasi talaga eh.  Nakakabiwisit ako tignan.  Tuwing tanghali na lang nakikita niyo akong kumakanta at alam ko na naririndi na rin kayo sa akin.  Lalo na ang paghohost ko.  Alam ko na may kayabangan talaga.  At oo manyakis ako kaya dapat tibagin niyo na ako sa noontime show ko.  Lagi na lang ako nasususpend dahil sa kabastusan ko.  —Willie R.
  • >>>Masyadong naging malaking kaso ang HaydenKho scandal.  At nandoon ako nagpakasuperhero.  Parang tanga lang.  Eh meron pang mas dapat pagtuunan ng pansin tulad ng Ah1n1 pero hayun at doon ako sa scandal nagconcentrate.  Kasi hayun mas sisikat ako at mas magkakaroon ng exposure.  Kaya ang new years resolution ko, magfocus sa mga importanteng isyu sa bansa at hindi pasikat lang ang ginagawa.  —Sen. Bong
  • >>>Hindi na kami magpapatalbugan sa outfit.  Bagkus gagalingan na lang namin ang paghost.  — Kris at Ruffa
  • >>>Hindi na kami magpapakita ng mga tv ads na kung saan yug mga chicken namin eh sobrang ang lalaki pero sa totoo lang kakapiranggot lang talaga ang itsura.  —McDo at Jollibee
  • >>>Babawas-bawasan na namin ang paglitaw sa mga tv screen niyo.  Alam ko naman kasing naiinis kayo sa amin eh lalo na kung mga paborito niyong tv shows ang ipinapalabas.  Parang gusto niyo na kaming sapakin.  —Commercials
  • >>>Hindi na ako sasali sa pulitika, you know.  Wala naman kasi talaga akong kakayahan eh.  Kung gusto ko talagang tumulong sa aking mga kababayan, may ibang paraan naman eh.  Mas mabuti na lang nga sigurong magjoin na lang ako sa Philippine Sports Commission, mas bagay pa ako doon.  —Pacman
  • >>>Hindi na ako mambibitin.  Na sa tuwing may sasabihin ako tapos bigla kong sasabihin na “ay wag na lang!”.  Nakakainis di ba?  —Bitinngera
  • >>>Iiwasan ko na ang pagbibigay ng mensahe sa facebook na “pabuy sa ffs”. —Adik sa FFS
  • >>>Hindi na ako magtetext ng mga “mHuZtaAaH???!!!  cnOe FhOeh kAyOeeh??!!!”.  Nakakaawa naman ang nagbabasa ng mensahe ko.   —S3ezzTaAhGuRlZ
  • >>>Iiwasan ko na ang pagpapatugtog ng radyo sa umaga lalo na kung may natutulog pa.  —Mader
  • >>>Hindi na kami mangangaroling lalo na kung tapos na ang Christmas.  —KapalmuksCarolers
  • >>>Ima tell you one time.  Hindi na ako magpapakasinger.  Pambabae ang boses.  Mukhang batang babaeng lalake.  And to think, I’m 15!  Gaaah! —Justin Beiber
  • >>>Ihihinto na ang pagkanta ng Nobody Nobody But Chu —AdiksaNobody

Wala na akong ibang maisip na new years resolution eh.  Ikaw dagdagan mo na lang kung trip mo…

Ang hirap pala magtagalog sa ganitong klaseng pag-eenumerate.  Mas madali kapag ienglish.  Kaso gusto ko gawing purong tagalog ang blog na ‘to! Kaya sorry na lang sa mga foreigners! Teeheee!

Previous Older Entries