Hayan na si Bumberang Ninja!

Busy akong nanonood ng dibidi.
Dibidi marathon kasi ako ngayon.
Tuwang-tuwa nga ako sa panonood ng Honey and Clover.
Maya-maya pa’y nagtaka ako.
Bakit ang usok usok sa labas.
Ah baka kako eh may nagsusunog lang talaga.
Hindi ko na lang pinansin.
Nood ulit ng dibidi.

Maya maya pa’y sumisigaw na katulong ng kapitbahay namin.
Nasusunog! Nasusunog!
Takte! Napatayo ako sa aking kinauupuan.
Pumunta sa likod ng bahay!
Anakngtokwa! Nasusunog yaong kalapitbahay namin.
As in kalapitbahay lang talaga.

Lolo ko nagpapanic na.
Lola ko ninyenyerbyos na.
Kaming tatlo lang sa bahay eh.

Yaong ibang kapitbahay nagsikuha na ng tubig.
Ako naman kinuha yaong hose na pandilig ng mga halaman.
Sabay bukas ng gripo.
Takbo doon sa kalapitbahay.

Nais ko nga sanang gamitin ang sharengan baka sakaling sa lakas ng hangin eh mawala kaso wala nang panahon para maghandseal.

Pero pwede ko rin gamitin yaong Suijinheki at Suigadan na mga water element kaso mas lalong mas maraming handseal yun.
Pero ang saya sana nung Suijinheki kasi ibubuga ko na lang yaong tubig mula sa bunganga ko. Astig! At pwede na rin siyang maging protector ko kung sakali. It also acts as water barrier din kasi. Pero matrabaho pa rin iyon.

Hayun! Medyo nawala na ang sunog.
Hanggang sa tuluyan na ngang nawala.
Hanggang sa abo na lang natira.
At saka dumating ang mga bumbero.

Buti kamo at cool lang ako kaya nagawa ko pang kumilos at magtatakbo.
Tumalon-talon kasi sabi nila kapag may nasusunog daw talun-talun ka daw baka sakaling tumangkad pa.
Pero sabi ng utak ko, adik ka ba? Pang New Year lang kaya yun? Sorry nemen!

Lola ko halos mapaiyak na.
Sobrang nyerbyos na nyerbyos.
Pero syempre kinabahan din ako noh.
Eh ang lapit kaya nun sa bahay namin.
Paano kung pati kami madamay. Damay-damayan na lahat.

Balak ko na nga sanang buhatin yaong tibi.
Tapos kunin lahat ng pera sa kabinet.
Tapos iligtas itong gamit ko ngayong computer.
Isama mo pa diyan ang refrigerator at ang washing machine namin.
Tapos yaong sala set pa pala.
Pero hayun.
Sa awa ng Diyos nawala agad ang apoy.
Wala naman masyadong napinsala.
Buti na lang.

Pero ganoon pala ang feeling noh.
Nakakatakot.
Nakakanyerbyos.
Nakakapanindig balahibo.

Sabi nga nila manakawan ka na, huwag lang masunugan.

GRABE LORD! PINAKABA MO AKO DOON AH! PERO THANK YOU TALAGA! AYLABYU!

Syangapala tumawag si mama.
Ano raw ba nasusunog.
Sabi ko yaong kalapitbahay natin.
Nyerbyos agad ang nanay ko.
Sabi ko naman, “ma, wala na yung sunog.”

——————————-
Okay lang ako. Tignan mo nga’t nagawa ko pang magpost ng entry. Nanginginig-nginig pa nga eh.

48 mga puna (+add yours?)

  1. naglalambingnacute
    Dec 07, 2009 @ 05:16:44

    ayan! nakuuu thank God talaga at di lumaki ang apoy

    pero talagang sa lahat ng panganib dapat si God lagi tinatawag.. at tama yun wag kang kabahan ๐Ÿ˜‰

    napaisip lang ako kakayanin mo kaya buhatin lahat ng nabanggit mo ๐Ÿ˜†

    hope ur ok na,,, oo nga pala ok ka na nga pala ๐Ÿ™‚

    Sagutin

    • blakenwayt
      Dec 07, 2009 @ 05:20:39

      @naglalambingnacute

      oo nga eh! buti na lang at malakas ako kay GOD! hakhak!

      baka mabuhat ko yun dala ng adrenaline rush! nyahahahah!

      salamat sa concern! apir!

      Sagutin

  2. dencios
    Dec 07, 2009 @ 05:24:03

    cutie,

    pasensya kana pero natatawa ako sa mga naiisip mo, sa mga sinasabi mo. ang kulit hahaha.

    may mga element element ka pa dyan ๐Ÿ˜€

    haha

    nextime ha kilos agad at maging aware sa paligid. mahirap ang sunog.

    at ang mag bumbero, late talaga! parang mga pulis lang hahahaha.

    glad u r all safe

    Godbless!

    Sagutin

    • blakenwayt
      Dec 07, 2009 @ 05:45:18

      @kuya dencios

      nyahahaha! dala na ito ng kaadikan sa naruto (anime po iyon!) hakhak!

      kaya nga eh! sa susunod pag may naaamoy na akong kakaiba! tatakbo na agad ako sa labas at kukuning muli ang hose at mgapakabumbero! nyahaha!

      buti nga at safe kami.

      salamat! kayo din mag-ingat! hakhak! apir!

      Sagutin

  3. Vajarl
    Dec 07, 2009 @ 05:33:59

    Mygulay! Natense ako kahit binabasa ko lang! Haha. Nangyari din kase samen yan, pero katapat naman ng bahay namen ang nasunog. At hindi ako nagpapanic non, napatingin lang ako tapos nag GM pa ko sa mga frends ko. Parang abnoy lang. Haha.

    Hindi ako makarelate sa mga Ninja terms. Dapat na ata akong manuod ng Naruto. ๐Ÿ˜›

    Buti naman at ligtas kayo, pati sina lolo at lola. Pakibatukan ang mga bumbero na late dumating.

    Sagutin

    • blakenwayt
      Dec 07, 2009 @ 05:49:14

      @kuya vajarl

      nyahahaha! nacarried away ba? hahaha! abnoy! walang pakiramdam! nyahaha! adik! nagawa pa talagang magtext oh! hindi ko naisip yung mobilephone ko kasi naman laging walang load! hhahaha!

      TAMAAAA! MAnood ka na ng Naruto! gumaganda na ang eksena! nakakatuwa! mas makekcarried away ka na talaga!

      buti nga at ligtas talaga! pati bahay namin buti ligtas din! hayyy… bwisit na mga bumbero! grrr!

      Sagutin

  4. .poOt!
    Dec 07, 2009 @ 10:54:54

    mabuti na lang at naagapan agad yung apoy. at least, safe kayo. wala naman bang casualties sa kapitbahay niyo?//

    i’m soooo back ‘tol.

    Sagutin

  5. chiquesan
    Dec 07, 2009 @ 12:56:04

    hahaha.. astig mo! kinaya mo yon!
    kung ako yun, baka nakabulagta na ako. hahaha.. kidding.. ๐Ÿ™‚

    kala ko nung una likod ng bahay nyo nasusunog. ๐Ÿ™‚

    Sagutin

  6. geb0i
    Dec 07, 2009 @ 13:03:46

    grabe naman.. it’s a good thing your safe.. ^^ napadaan. babalik.. LOL.

    Sagutin

  7. dhyoy
    Dec 08, 2009 @ 07:53:17

    di ko alam kung bibilib ako sa bumberang ninja o matatawa ako… san nakunan ka ng vidyu, gusto ko masaksihan paano magpanic ang tulad mo… hihihihi…

    diba sa baguio ka? san sa baguio naganap yan… tenks ke bro walang nangyari sa inyo…

    * bakit di kita nakikita sa plurk?*

    Sagutin

    • blakenwayt
      Dec 11, 2009 @ 02:49:37

      @ate dhyoy

      ay ate dhyoy kung alam mo lang! hahahha! gusto ko rin ibidyo sarili ko eh! kaso wala ng panahon dun! Hakhak!

      hindi po! sa baguio lang nag-aaral! hakhak! hindi po ;to sa baguio. sa probinsya po namin.

      *kasi ayaw ko na magplurk eh! inifinity na karma ko!* hahahha!

      Sagutin

  8. Dorm Boy
    Dec 08, 2009 @ 14:02:18

    Good thing cool ka lang at you have presence of mind! pag inunahan ka ng takot mahirap na… Hope ok ka na after the incident! Pray hard and be safe always blakenwayt!

    Sagutin

  9. narsmanang
    Dec 09, 2009 @ 06:25:20

    buti na lang safe kayo. lakas. ๐Ÿ™‚

    aba, isa na namang adik sa naruto. waahhhh…

    si gaara lang kilala ko dun eh. haha. ๐Ÿ˜€

    Sagutin

  10. aninipot
    Dec 09, 2009 @ 07:53:43

    gusto ko sanang makisimpatya, kaso natawa tlaga ako sa mga sharengan na gamit mo…sana nagpatawag ka ng resbak with naruto and sasuki..

    Sagutin

  11. modernonglapis
    Dec 09, 2009 @ 09:08:27

    natawa ako habang nagbabasa, naimagine ko kasi na ginawa mo talaga yung sa naruto eh.hahaha:D

    buti na nga lang namatay agad, kundi walang makulit na post akong binabasa ngayon:)

    Sagutin

  12. repah
    Dec 09, 2009 @ 11:33:43

    hellow blakenwyt… nakakatuwa naman tong blog mo … ilabit… dtalyadong-dtalyado tlga ang pangyayari nyan.. kung ako siguro nablakout na madali kc akong matrauma.. sa mga ganyan… awa naman ng diyos… hindi pa sa kin.. nangyayari yan… at sana hwag.. kc di ko lam ang gagawin ko…

    Sagutin

  13. Maldito
    Dec 10, 2009 @ 01:16:12

    buti na nga lang at nakuha mo pang mag hose…ahaaha..
    potah ang kulit mo.
    good thing nga hindi kayu nasunugan..kaya ingat nalang..
    ps: maka ninja din ako.

    Sagutin

    • blakenwayt
      Dec 11, 2009 @ 02:55:03

      @kuya Maldito

      nyahahaha! iyon talaga unang pumasok sa isip ko eh! hose! hahaha! ang tagal kasi pag timba timba lang!

      ps: apir tayo dyan! nagpappakaninja nga ata ako eh! hakhak!

      Sagutin

  14. Jakey Junkie
    Dec 10, 2009 @ 06:31:04

    Mahirap-hirap nga ‘yang pinagdaanan niyo na ‘yan, pero mabuti na lang talaga at wala gaanong damage sa part niyo.

    May isa akong friend, dalawang beses na silang nasunugan nu’ng high-school pa kami, pero naka-survive pa rin. ‘Yun ang idol.

    Sagutin

  15. tsenn`
    Dec 10, 2009 @ 13:33:02

    woh.
    kami nasunugan din dati.
    un sinakalawang (2nd) garahe
    noong unang panahon.
    sa tricycle ata ng asawa ng pinsan ng daddy ko
    un nasunog.
    buti na lang naagapan at di nagatomic explosion.
    malamang kasi pag ganun nasira pa tulog ko.
    badtrip yun.
    badtrip yun di ba?
    at buti di umabot sa mismong bahay namin na 6 1/2 steps away lang, eastward direction.
    basta paggising ko grayish na lang bigla
    ang sinakalawang garahe.
    nainstant cremation un mga kahoy na haligi.
    kawawa naman.
    nadamay.
    *sigh*

    oi i’m glad ur safe! ๐Ÿ™‚
    rakrakan na \m/

    Sagutin

  16. taga-bundok
    Dec 11, 2009 @ 16:11:20

    hanggang ngayon nasa imahinasyon ko pa rin ang ninja moves mo… ang saya siguro no, exciting makipagpambuno sa apoy. masubukan mo yung bisa ng ninja skills and powers mo.

    anyway, thank God safe ka, si lolo at lola mo. ๐Ÿ™‚

    Sagutin

    • blakenwayt
      Dec 12, 2009 @ 01:19:39

      @kuya taga-bundok

      hakhak! maganda makipagpambuno sa apoy kung effective at tama ang handseals pero kung nagkamali ka malamang pati ikaw malamon ng apoy! hakhak!

      thanks!

      Sagutin

  17. mister llama
    Dec 13, 2009 @ 08:15:45

    haynaku..pero pansin ko lang cool na cool ka pa din ha.. Nagawa mo pang mag act as a ninja..haha!

    Naranasan ko na din yan..Grabeeeeeeeeeeeeee!!! Nanlambot ako… tapos nanginginig..haha!

    Sagutin

  18. alaehboi
    Dec 13, 2009 @ 10:26:04

    WAHAHAHAHAHAHAHA…natawa ako sa mga hirit mong jokes

    Sagutin

  19. hirochan
    Dec 31, 2009 @ 11:52:32

    ASTIG ung ginawa mo ha! Pero mas natuwa ako dun sa handseals na pwede mo pang magawa kaso kulang na sa panahon… yeah! GREAT JOB at nawala ung apoy….^^

    Sagutin

  20. hirochan
    Jan 01, 2010 @ 09:32:00

    Meron ha! Mag-clone ka ng sampu or gazillion na ikaw tas gamitan mo ng water teknik mo… naku parang nagtawag ka ata ng ONDOY nun… ^^

    Sagutin

  21. hirochan
    Jan 01, 2010 @ 12:46:02

    Eh di shorkatin mo! ^^ LOLS!

    Sagutin

  22. hirochan
    Jan 01, 2010 @ 15:11:43

    hahaha! malay mo naman di ba?!?!

    Sagutin

  23. Bari
    Nov 24, 2012 @ 17:09:39

    Sa Amerika:. . John:Whats Pinoy TV???. . Peter: I dont know, but do you know TFC???. . John: Of Course mate!!!? It is the best network Worldwide!!!!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Sagutin

Mag-iwan ng puna